Credo ng Nicea

Symbolum Nicaenum

Sumasampalataya ako sa iisang Diyos,
Ama na makapangyarihan sa lahat,
may gawa ng langit at lupa,
ng lahat ng nakikita at di-nakikita.

Sumasampalataya ako sa iisang Panginoong Hesukristo,
bugtong na Anak ng Diyos,
ipinanganak sa Ama bago magkapanahon.
Diyos mula sa Diyos, Liwanag mula sa Liwanag,
Diyos na totoo mula sa Diyos na totoo,
isinilang, hindi ginawa, iisa sa kabuuan ng Ama;
na sa pamamagitan niya ay ginawa ang lahat ng bagay.
Alaang-alang sa ating mga tao at sa ating kaligtasan,
siya'y bumaba mula sa langit.
Lalang ng Espiritu Santo kay Birheng Maria,
siya ay naging tao.

Ipinako siya sa krus para sa atin,
sa panahon ni Poncio Pilato;
naghirap at inilibing.
Nang ikatlong araw siya'y nabuhay na mag-uli
ayon sa Kasulatan.
Umakyat siya sa langit
at naluluklok sa kanan ng Ama.
Siya'y babalik na may kaluwalhatian
upang humatol sa mga buhay at mga patay;
at ang kanyang kaharian ay walang katapusan.

Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo, Panginoon at Nagbibigay-buhay,
na nagmumula sa Ama at sa Anak,
na sinasamba at niluluwalhati kasama ng Ama at ng Anak;
na nagsalita sa pamamagitan ng mga propeta.

Sumasampalataya ako sa iisa, banal, katolika at apostolikang Simbahan.
Inaamin ko ang iisang binyag sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.
At hinihintay ko ang pagkabuhay na mag-uli ng mga patay
at ang buhay ng darating na panahon.

Amen.

100+ panalangin sa Catho+ app

I-download ang Catho+ para sa buong aklatan ng mga panalangin: ang Rosaryo, mga nobena, mga litanya, mga panalangin kay Maria, mga panalangin para sa bawat panahon ng taon ng Simbahan, mga panalanging Latin, at marami pang iba.

Iba pang pangunahing panalangin

Lahat ng pangunahing panalangin →