Sumasampalataya Ako
Symbolum Apostolorum
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo,
iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen,
pinahirapan ni Poncio Pilato,
ipinako sa krus, namatay at inilibing;
nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao;
nang ikatlong araw nabuhay na mag-uli;
umakyat sa langit,
naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat;
doon magmumula't pariritong huhukom sa mga buhay at mga patay.
Sumasampalataya naman ako sa Espiritu Santo,
sa Banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga santo,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa pagkabuhay na mag-uli ng mga patay
at sa buhay na walang hanggan.
Amen.